Yes I’m Filipino so in this post, I’ll use Filipino.

Inaabangan daw kasi n’ya ang post ko, pero dapat kasi kagabi ko pa ‘to ipo-post kaso ginabi sa bahay nila. HAHA. Pero kasi Birthday n’ya, at putol ang description ko sa kanya n’ung year-end post ko, ito na.

906830_10200978708308367_850532730779449569_o

Ang lider ko na napaka-kulit at sa tingin ko n’ung una ay hinding hindi ko talaga makakasundo, pero ang galing kasi God used Him to shine a light on me. S’ya kasi ‘yung taong:

– sinasabihan ako kapag kailangan ko nang magpagupit o may fashion law akong nabe-break.

– magsasabi sa’yo ng mga love problems dahil hinding hindi na n’ya kaya pero tatanguan ko na lang ito o sasabihan ng kung anong advise eh ikakain na lang n’ya ang lahat.

– lagi kang iki-keep in touch.

– mas importante pa ang sapatos, damit atbp. kesa sa bonding (dejoke lang) o sa kung ano pang bagay.

Pero higit sa lahat, s’ya ‘yung taong:

– lider kung lider. ‘yung feeling mo kulang na lang ay tumira kayo sa isang bahay for like nine months para lang ma-train ka on hand. ang galing kasi s’ya ‘yung lider talaga, may vision, may direction at hindi lang basta direction kundi alam n’ya yung gagawin n’ya na wala s’yang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

– brother kung brother, kasi sa tuwing maguusap kami at may problema ako, talagang magsasabi s’ya ng encouragement at papaalala n’ya lang sa’yo kung anong role ni God sa buhay mo. tanda ko nga n’ung sobrang pressed ako ng lahat ng elemento ng mundo eh nagawa n’ya akong paiyakin sa isang restaurant, at sobrang amazing lang talaga.

– kaibigan kung kaibigan. mr. congeniality ‘yan kaya sa tingin mo, sa tuwing kasama mo, buong sambayanan ata ay kaibigan na n’ya. nand’yan s’ya lagi para sayo (hindi naman lagi, pero ramdam mo ang suporta mula sa kanya).

Minsan nga lang magtampo, at oo, tampuhin ang lider na ito (ayon na rin kay bien na best friend n’ya). Ngayon ay kasalukuyan s’yang nagtatampo kasi belated na lang ang bati ko sa kanya na official na official, pero kahit ganoon ay sana tanggapin mo pa rin ang sincerest na bati ko, pasasalamat, at sobrang amazement sa’yo.

HAPPY BIRTHDAY sa aking lider/kapatid na si Cenjei Ramos. Pasensya kung na-late anng official na bati ko sa’yo at pramis, gagawin ko dapat ‘to kaso na-late lang talaga. Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko kasi ikaw ay sobrang amazing na tao. Salamat dahil naging patient ka sa lahat ng tanong ko at nangdun ‘yung courage mo na mag-step in sa world na sobrang kakaiba, isang eccentric na world. Siguro kaya tayo nagkasundo (o kaya parang gumaan na rin anng pakiramdam ko sa’yo) ay dahil ng malalim mong pagiisip. Alam mo naman kasi kung gaano ko gustong palalimin ang mga iniisip ko pero nakahabol ka para i-angat ulit ako sa paghuhukay ko at sabihin sa’kin na nasa harap ko lang ang hinahanap kong sagot. At si God ‘yun.

Salamat kasi lagi mong nire-remind sa’kin na kailangan kong maging malinis at nand’yan ka (o pinapadala ka ni God) tuwing mape-press down lang ako. Salamat sa lahat coach. HAHA. Salamat sa mga bonding moments. Sabi nga ni Vonn, magiging independent na kami. Nagulat ako sa 5 mo kanina. Hindi ‘yun 5, sinong nagsabing 5 ‘yun. 9 ‘yun. Not making it 10 kasi that 1 will be room for improvement but sabi nga ni kuya rob, you’re one of the best leaders they have. I agree. At ramdam namin ‘yun bilang mga taong under ng leadership mo.

9 talaga ‘yun, ‘di ako papayag na 5 ‘yun. Hindi swabe lang, kasi nakaka-inspire ‘yung response mo lagi kay God. ‘Yung lagi mong pinapakinggan si God just to encourage us and just to ignite us once more. Na kahit simple lang ‘yung mga salitang ginagawa mo, alam naming hinugot mo ‘yun kay God. Nakaka-inspire ‘yung journey mo to know God more.

Sobrang nakaka-inspire ka coach. Isa kang coach, as in coach talaga.

Happy Birthday! 🙂 Si God na ang bahalang i-prune at gawing more fruitful pa ang buhay mo. HAPPY BIRTHDAY!!!!! 😀

 

HART HART. LABYU. HAHAHAHAHA.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s